Wednesday, July 8, 2009

Baha, Gonuts and Zagu Day

Lasy night, kasalukuyan kong pinapanood ang Boys over Flowers ay biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kidlat at kulog. Dahil sa ka-adikan ko sa BOF ay binalewala ko ang nangyayari sa labas.

Hindi ko namalayan na sa sobrang lakas ng ulan ay tumataas na pala ang tubig sa may likuran ng aming kwarto. Sabi ng partner ko, kahit gaano kalakas ang ulan dati ay never pa naman pumasok sa kwarto ang tubig. Kaya naman naging calm ako at enjoy sa tv.

Natulog kaming 9PM at umuulan pa rin sa labas. Masarap matulog lalo na't malamig ang panahon dahil sa ulan habang may kayakap ka. he he he.

Anyway, nagising akong 12:20AM dahil nilalamig ako sa electric fan at para magkumot. Nang bigla kong naramdaman na basa ang kumot sa may paanan ko. Kinuha ko ang aking cellphone at sinindihan ang ilaw nito at nabigla ako sa nakita ko. Nakapalibot ang kama namin sa tubig na kulay tsokolate.

Kahit nasa floor ang kama ay hindi kami nabasa dahil sa spring bed ito. Pero nabasa lahat ng unan na nakapalibot sa bed pati na yung carpet. Mabuti nalang din at hindi nag short circuit ang cord extension sa may electric fan. Nabasa din yung mga cd's na nasa lapag.

Ginising ko ang partner ko at sabing pinasok kami ng tubig. Nabigla din sya sa nakita nya at tumayo kaagad at ginising nanay nya. Inalis na muna namin yung mga unan at natulog ulit dahil sa pareho kaming antok na antok at pagod.

Ang nakaka-inis lang ay 2 days palang ang nakalipas nung nagpalit kaming bed-sheet, naglaba ng kumot at pillow cases tapos ganun ang nangyari. Mamaya nyan pag-uwi ko galing trabaho ay lilinisin ko ang kwarto pari alisin yung putik na pumasok.Hay...=(

Sa work naman, Gonuts at Zagu day daw. Hindi namin alam kung bakit o kung ano ang okasyon at may treat kaming Gonuts Donuts at Zagu this day. Anyway, salamat na rin sa meryenda. he he he

Friday, July 3, 2009

Due Process

Kaninang 5AM ay nagkaroon akong panel as due process daw for excessive absences for the past 6 six months wherein may lima akong absent. Yung dalawa due to emergency at yung tatlo ay dahil sa sick due to hypertension.

As expected, every absent mo ay bubusisiin kung anong nangyari that day. Ako naman ay honest at sasabihin kung ano talaga ang nangyari kaya walang mabutas sa sakin.

At dahil wala ako sa mood dahil sa kakaumpisa palang ng shift ko ay nagkanda-bulol ako at mali-mali ang english at grammar ko.

Anyway, after 45 minutes ay natapos din. Pero ng tanungin ako para mag commit na hindi na aabsent, sabi kung unplanned or emergency I can commit but not on sick dahil under treatment or experiment pa rin ako sa pag take ng mga gamot ko at baka biglang mag flactuate na naman.

Seven years na ako sa work ko pero first time magkaroon ng ganito sa attendance. =(

Tuesday, June 30, 2009

3rd Year Anniversary

Last June 28, 2009, my partner and I celebrated our 3rd year anniversary. Sa kabila ng mga maliit na tampuhan before and on that day ay natuloy pa rin kami sa mga lakad namin.

Mula sa amin ay umuwi ako sa kanila ng Sunday morning at pumunta muna kaming SM Clark para bilhin yung bagong commitment ring namin. This time ay may bato ang mga singsing namin.

Pagkatapos ay pumunta na kami sa binyag, dumeretso kami sa bahay na dahil sa tapos na ang ceremony sa simbahan. Pagdating namin sa bahay ay nabigla ako noong sabay sabi ay ninong pala ako ng bata. I thought kasi ay hindi seryoso noong sabihin ng bestfriend ng partner ko na gagawin akong ninong noong nagkita kami noong May 15. Although nagkita kami noong 26 ay hindi naman nya ako ni-remind, edi sana nakapunta ako sa simbahan.

Umalis na kami sa binyagan ng 1:20PM at pumunta sa tagpuan kasama ng mga friends ko para pumunta sa Magalang, Pampanga para pumunta naman sa burol ng nanay ng friend ko. Dalawa lang hindi nakasama sa mga kaibigan namin at umalis kaming 4PM doon.

Pagbalik namin ng Angeles ay pumunta kaming SM Clark at nanood ng Transformers 2. Kahit na napanood kona ay sinamahan kona rin ang partner ko dahil gusto nya talaga itong mapanood. Okay lang sa akin na ulitin dahil sa maganda naman talaga ang movie. 5:55PM ang showing pero pumasok kami sa sinehan ng 5:20 at puno na kaagad ito. Sa may hagdanan nalang kami tuloy umupo.

Natapos ang movie ng 8:20PM at pumunta kami sa may Rumpa Restaurant para naman mag dinner. Nag order kaming Porterhouse at Spareribs at mashed potato saka iced tea. Medyo madami ang order kaya nag share kami sa food kaya naman nabusog kami.

Nakaumi na kaming 9:45PM, nagpahinga sandali, naligo at nag ............alam nyo na yun. he he he

Thursday, June 25, 2009

Transformers 2@GA

Kahapon ay ginanap ang quarterly General Assembly namin sa work. This time ay ginawa ulit sa SM Clark Cinema at pinanood yung Transformers 2. Pangalang beses na ito, yung nauna ay noong ipalabas ang The Mummy.

As usual, mahaba at matagal pa rin ang pilahan. Kaya naman pinaghandaan namin ng mga friends ko. Bago kmi pumila ay nag take-out muna kami sa McDo. Pero sa tagal ng oras sa paghihintay at habang nasa pila ay kinain na namin ang mga baon namin. Mabuti nalang din at nag provide sila ng mga upuan.

2PM kami pumila at nakapasok kami ng past 3PM. May short program at raffle pa kaya nag start na yung pelikula ng 3:50PM. Pero kahit na matagal ang paghihintay namin ay sulit naman dahil maganda naman yung movie.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng Transformers 2, panoorin nyo na dali.... =)

Tuesday, June 16, 2009

My Birthday

Last Friday, the whole country celebrated my birthday. He he. Hulaan nyo nalang kung ilang taon na ako. Anyway, kahit na holiday ay nasa work ako. Sayang din naman ang double pay.

After ng work ko ay nag visit ako sa may Blessed sa Holy Rosary at sa may Carmelite para magpasalamat at makapag dasal ng taimtim at pagkatapos ay umuwi na ako.

Nagpaluto akong pancit para kahit paano ay makapag-meryenda naman. Yung tito ng partner ko ang nagluto at yung asawa naman nya at kapatid ng partner ko ay nag-share sa lumpiang shanghai. Simple lang naman ang celebration. Ang partner ko naman ay binilhan akong cake. he he he

Tumanda na naman ako ng isang taon. Pero tuloy pa rin ang buhay. =)

Tuesday, June 2, 2009

Smart's Uzzap Service

I'm not sure kung alam nyo or naka received na kayong text from Smart about "Uzzap". Isa syang Messenger application na kelangan mong i-download kung activated na ang GPRS or 3G sa cellphone mo.

Matagal kona ring natanggap ang text na yun pero binalewala ko. Alam ko kasi may charge. Until last Saturday, dahil sa naiinip ako sa work kaya kinonfirmed ko sa kasamahan ko sa work kung may charge ba o wala. Matagal na raw nya kasing gamit yun.

Sabi ay wala kaya sinubukan ko at nag text sa 7272 ng UZZAP. Kaagad akong nakatanggap ng text na may kasamang link para i-download ang program. Free of charge din yung pag download at mabilis pa.

Nag balance inquiry muna ako bago ako nag-login. At pagka login ay may nag message kaagad sa akin. Yung friend na kasamahan ko dati sa work na nagpuntang Abu Dhabi.

Nag login din ako sa YM ko at naka chat din yung classmate at friend ko noong high school. After an hour ay balance inquiry ulit ako at wala ngang charge dahil under Beta pa pala yung application.

Anyway, ngayon ay 24 hours akong naka login. Kung may message man ay may setting na automatic lalabas sa cellphone mo kahit anong ginagawa mo at saka may sariling alert tone sya.

Sana subukin nyo rin. It's really a cool application to communicate with your friends online while using your mobile phone anywhere, anytime. he he he

Is Swine Flu Here?

Last Sunday, 8AM ay nagpunta ako sa laboratory ng isang ospital para magpa Blood Chemistry at Complete Blood Count. Pagkatapos kong makuhanan ng dugo ay nakiusap ako na kung pwede hintayin ko yung results ng 10AM.

Umupo ako sa my lobby na malapit sa entrance at ka-YM ang friend ko sa cellphone at narinig ko yung lady guard kakwentuhan yung janitor na naglilinis. Tumingin muna sila sa akin, ako naman ay kunwari hindi ko sila naririnig. Sabi ng lady guard sa janitor, kahapon daw may mag lolang nilabas sa ospital at dinala sa San Lazaro Hospital sa Manila dahil daw sa ......[binulong]. Then biglang sabi ng janitor kaya daw pala naka face mask halos lahat ng staff sa ospital kahapon. Sabi pa ng gurd, "kaya nga mga apo ko ayaw kong magpunta sila dito".

Bigla akong kinabahan at naisip na Swine Flu kaya yon? Kung Dengue yun bakit kelangan mag face mask? Iniisip ko kung Swine Flu ay mayroon pa kayang virus doon. Ako pa naman mahina ang immune system at sa airborne virus.

I hope wala pa dito. Hindi kona babanggitin yung ospital dahil hindi rin naman ako sure kung confirmed yun o hindi. Basta laging tandaan ang sabi ni John Lloyd, "Ingat".

A Good News

After 3 weeks of blood pressure monitoring at ang pag inom ng half tablet a day sa gamot ko ay nagpa-blood chemistry at complete blood ako last Sunday at bumalik sa docktor ko kahapon. After reading the test results ay normal lahat kaya nag decide na ang doctor ko na ubusin na lang lahat ng gamot ko at tumigil na.

More than 3 years ko rin iniinom yung maintenance medicine ko para hindi ito tumataas. Malaking kaginhawaan ang pag alis ng gamot sa akin. Una sa lahat at bawas sa gastos at pangalawa ay sa kidney protection ko na rin.

Basta habilin nalang ng doktor na laging maging consious sa mga kinakain ko. Iwasan ang maalat at matatabang pagkain at saka madaming tubig.

Sana ay magtuloy tuloy na ito. Thank you Lord.

Thursday, May 28, 2009

35th Monthsary

Sa araw na ito ay 35th Monthsary namin ng partner ko. Pagkagising ko kaninang 2AM ay kaagad ko syang ginising para i-greet sya. Walang celebration ngayong araw na ito dahil pinaghahandaan namin yung 3rd-year anniversary namin next month kaya greeting lang muna.

Habang nagbibihis ako kanina ay tumayo sya at naghahanap ng pagkain dahil gutom daw sya dahil sa 3 days na syang hindi kumakain ng dinner. Sinasadya nya ata dahil nagpapa-payat siya.

Nag-iba na rin ang work sked nya sa kanyang work dahil nalipat sya sa ibang position. Nasa shipping department daw sya at office hours ang sked nya. 8:30AM-4:30PM at Sat-Sun ang day off nya. Kaya mayroon din kaming time kapag umuuwi sya.

So far, pareho kaming na-a-addict sa Boys Over Flowers na Koreanovela sa Kapamilya station. I'm sure marami din nanonood nun. he he he

Tuesday, May 19, 2009

Ang Lalake Sa Panaginip

Last monday ay nanaginip na namang akong isang lalake na tall, dark, medyo slim at may hitsura. Kitang kita ko yung mukha ng lalake pero hindi ko sya talaga kilala. Heto naman eksena sa panaginip ko.

Mag syota raw kami at may narinig akong boses na nagtatanong sa lalake kung ano daw ang nagustuhan nya sa akin. Bigla akong sumabat at biglang sabi na "kasi mabait ako". Pero ang sabi nung syota kong guy ay "kasi maasikaso sya at maalaga".

Tapos biglang naglalakad kami sa may park na madaming malalaking puno habang akbay ako at naupo kami sa may damuhan at kwentuhan daw. Noong pauwi kami ay sumakay kami sa sasakyan nya na Nissan Frontier pick-up.

Kahapon naman pagkauwi ko ay kinuwento ko sa partner ko ang mga napapanaginipan ko. Biro nya sa akin na baka daw yung ang soulmate ko.

Anyway, nagatataka rin ako bakit ganon ang napanaginipan ko samantalang okay naman kami ng partner ko.

Thursday, May 14, 2009

Ang Lalakeng Mumu Sa Panaginip

Last night ay may napanagipan akong lalakeng mumu na kitang kita ko ang mukha. Naglalakad daw kami ng pinsan ko sa madilim na kalsada sa aming baryo ng bigla akong napatingin sa kanan ko.

Una naka side yung mumung lalake ng bigla syang tumingin sa akin at nakita ko ang itsura nya. May bigote sya, short hair, naka barong at pantalong itim. Pagkatapos nun at takbo daw kami ng takbo ng pinsan ko at nagsisigaw.

After nun nagising na ako at nagdasal kaagad. Medyo pagod ang katawan ko dahil binabangungot na pala ako. Although nakita ko yung mukha nung mumu ay hindi ko sya kilala. Not sure din kung ano ibig sabihin ng panaginip na yun.

Tuesday, May 12, 2009

JCI Culiat

Last Saturday 7PM ay nag attend ako sa orientation ng JCI Culiat sa may Spencer's resto. Curious ako kung ano ang organization na ito at kung ano ang ginagawa nila. Dati kasi akong humahawak ng organization noon college sa school kaya parang gusto ko ulit pumasok sa isang org kahit na nagwo-work na ako.

Nasa SM Clark kasi yung booth nila noong April 29 at nag registration ako. Then nag text sila para sa schedule ng orientation. After I attended the orientation ay interasado akong ituloy ito.

12 kaming dumating at sabi nila ay batch namin yun at kelangan bigyan namin sya ng pangalan at mag elect kaming Chairman at gagawa ng project. Under six months probation kaming lahat bago kami maging member. So far, ang tawag sa amin ngayon ay "Baby Jaycee".

In fairness, most of their members are businessman/woman on a well-known establishments here in Angeles and Clark. Although sa batch namin ay employee kami, dalawang estudyante at isang businessman. Pero sabi sa amin ng lumang mga member, kagaya lang namin sila nung maging member sila. Through free seminars at tulong nga mga kapwa member ay doon sila nakapag-umpisa.

Gusto kong ituloy ito pero nag-aaway kami ng partner ko dahil dito. Pinagdududahan nya ako na baka lalake lang daw ang reason ko bakit bigla akong nag join. Kahit anong explain ko ayaw akong paniwalaan. Niyaya ko pa nga syang sumama at sumali pero ayaw nya. Kesyo may work daw sya.

So far, baka mag attend ako sa next meeting at doon ako mag decide kung itutuloy koba ito o hindi although i'm really interested with this one.