Today, June 28, 2007 is our 1st anniversary. I still remember the days we chatted on YM and and blocked mail me dahil nasa SM Pampanga sya at bumili ng Converse shoes. Nag text sya at since andoon na raw sya magkikita na kami at hihintayin nya ako doon. Hindi daw sya aalis doon hanggat hindi ako magpapakita sa kanya.Gusto ko narin syang makita kaya kahit hindi ako handa, meaning di ko suot ang best dress ko. Usually kasi pag first time meeting eh pinaghahandaan ko talaga. Ika nga, first impression, last.
We decided to meet at Tokyo Tokyo in SM Pampanga after my work to asses each other in person. The first time we see and talk each other, fireworks exploded which means this is it.
After we talk and ate, he kissed me on lips. We don't care if there are other people around. So, I am really shocked coz it's my first time to have a kiss in public at sa lalake pa.
9pm, nagsara na ang mall pero nag stay pa kami sa terminal at nag uusap. Then he asked me kung kami na. Pabiro kong sinabi na hindi ko narinig kaya inulit nya. Then sabi ko, seryoso ka? Then sabi nya oo daw at tinanong ako ulit. Then sabi ko "OO" tayo na. At sabi nya, ano bang araw ngayon? June 28, tatandaan ko araw nato. Sabi ko naman, ako rin.
Dun na nag-umpisa. Mdalas after my work or pag day off ko nagde date kami. Kumakain at nood ng sine sa mall. After two weeks, nakahanap nako ng boarding house sa may harapan ng AUF. Pero before pa kami nagkakilala naghahanap nako ng boarding house ha. Tinulungan nya akong bumili ng mga gamit, maglipat at mag setup sa kwarto.
Almost every day, sa boarding house sya natutulog except Friday and Saturday dahil nasa Mexico non. Then every sunday nagsisimba kami together sa may Sta. Maria at after magsimba punta kami SM Clark para mag date.
I still remember na minsan pinagdadala ko sya ng pagkain hanggang sa may kanto ng bahay nila. Hanggang kanto muna ako dahil hindi pa sya handa na ipakilala ako sa mga relatives at family nya. At nung birthday ng mama at kapatid nya, niyaya na nya ako sa kanila at pinakilala sa nanay at kapatid nya. That's my first time na makita at makilala ko sila kaya talagang ninenerbyos ako noon.
After that, nung 1st birthday naman ni Tin Tin niyaya din ako at dun na ako pinakilala sa mga pinsan, tita at tito nya hanggang sa medyo napapadalas na ang pagpunta ko doon.
August 2006 nung magkaroon kami ng malaking problema na muntik ng humantong sa hiwalayan dahil sa third party. Hindi kona i e explain pa ng detailed yon ha. Dahil sa mahal ko talaga sya, I gave him another chance and we both agreed na titira nako sa bahay nila sa Dau. Hiningi ang permiso sa parents nya at pumayag dahil ang usapan e ang binabayad kong renta sa boarding house ay sa kanila ko nalang ibibigay which is more practical at nakakatulong pako sa kanila diba? And hindi na sya napapagalitan sa nanay nya kapag natutulog sya sa boarding house ko.
Pininturahan ang buong kwarto at nung September 8, 2006 ay lumipat nako sa bahay nila magpasahanggang ngayon. At nung October, nakilala kona and isa sa tatlong mga bestfriend nya from high school na si Zhen. Maiksi lang ang time namin dahil sa pupuntahan pa nila ang bestfriend niland si Karen na kakadating lang from Guam. Hindi ako sinama dahil hindi pa daw sya handa na ipakilala ako kay Karen. Pero sabi ni Zhen, gusto nya ako for his bestfriend.
December 21, 2006, Lhan's birthday. Dun kona nakilala ng lubusan ang dalawa sa tatlong bestfriend nya from high school. Sina Zhen at Anthony. Zhen promised to me na sa susunod na pagdating ni Karen sa January 2007 ay gagawa sya ng paraan para makilala kona si Karen.
January 2007, first time kong ma meet in person si Karen nung lamay nung tito ni Zhen sa may Funeraria Angelica. Hindi kami nakapag usap pero may idea na si Karen about sa akin.
After ng libing, Zhen gave my number to Karen and we started na discuss about many things about Lhan until we decided na magkita kita kaming tatlo nina Zhen para makapag usap ng maayos.
Napag usapan namin ang mga dahilan ni Lhan kung bakit ayaw nya akong ipakilala kay Karen like hindi sya open minded about same sex relationship na pinabulaanan ni Karen. Sabi nya wala sya pakialam doon at tanggap nya kung ano kami at kung saan kami masaya dahil sa Guam mrami daw ganon.
Marami pa kaming napag usapan hanggang sa mahukay ang mga kasinungalingan ni Lhan sa akin. Pagdating ko sa bahay, sinabi ko sa kanya yun at inamin lahat yun sa akin. For the second time, muntik na kaming maghiwalay. Since mahal ko sya, I gave him another but last chance. What I did is kinausap ko ang nanay ni Lhan. Tinanong kung ano alam nya tungkol sa amin ng anak nya. She told me na alam nya kung ano kami. Dahil mahal nya anak nya, tanggap nya kung ano sya at kung saan sya maligaya ay doon din sya.
Sinabi ko sa nanay nya lahat lahat ng mga ginawa nyang kasinulingan sa akin pati na yung third party noon. Hanggang sa sinabi ko na if ever aalis man ako dito sa inyo, alam nyo na dahilan. Mahal ko ang anak nyo sa kabila ng mga ginawa nya sa akin pero naaawa nako sa sarili ko. Mahal ko rin ang sarili ko kaya bibigyan kopa sya ng last chance. Kung sisirain pa yon ay pasensyahan nalang.
After that nung ng night life sina Karen sa Hawaii bar sa my Balibago, pinasama ako ni Karen. At dun na nag start na lagi ako sinasama sa mga lakad nila pag umuuwi sya at nagbabakasyon from Guam.
April 26-27, 2007, fiesta sa amin at nag overnight sila sa amin. Buong angkan nila sa Dau ay pumunta sa fiesta namin. Kaya naman dahil sa sobrang dami ng tao e prang may kinakasal na sa amin. Mga kapitbahay namin laging sinasabi na sobrang dami ang bisita namin dahil from 11am hanggang 1am may dumarating pang bisita. Masasabi ko talaga na iyon ang pinakamasayang fiesta namin sa kasaysayan.
So today what is the plan? Paano namin ito ise celebrate? At bakit nasa work ako? Well, original plan namin is to go to Mall of Asia and watch any movie sa IMAX. Dahil magastos yun, ang plan B namin ay kumain ulit sa Tokyo Tokyo sa SM Pampanga at manood ng sine at magpa picture together sa Great Image studio. Since, wla na talagang budget dahil sa madaming bills ay na scrap or cancelled lahat ng plano kaya eto ako ngayon nagtatrabaho. I already cancelled my VAC leave pati na yung bukas dahil wala namang plans.
It so sad na anniversarry namin ay parang ordinary day lang. Pero baka mamaya after my work ay kakain kami ng dinner sa Tokyo Tokyo sa SM Clark.
By the way, I just want to thank Ada and Fran na laging andyan para makinig sa mga istorya at drama ko. Salamat din sa mga advice na binibigay nyo sa akin. Sana wag kayo magsawa ha.
Eto pla mga pictures namin together for the past year.































































































