Wednesday, January 30, 2008
January 2008 Team Building, Last YGM Team Building
Based from the TML survey, some of my team mates ay mapupunta ng night shift like Moksi and Ada. Kya since last week ay lagi namin silang tinutukso.
Ang food namin for this month ay galing sa Dainty. Isang kilalang restaurant sa Angeles City. Actually every month ganito ang food namin. he he he
Tuesday, January 29, 2008
The Healing Mass & Touch of Father Fernando Suarez
Ang original schedule ng misa ay 2 PM pero dahil sa may nagsitulog na doon at dumadagsa na ang mga tao ay nagdesisyon si Father na mag conduct ng dawalang misa (10:30AM & 4PM).
Since alam namin na 2PM ang misa, nagpunta na kami doon ng 12:30. Kumain muna kami sa bahay bago umalis at nagbaon ng meryenda at madaming inuming tubig. Pagdating namin sa Lakeshore ay sobrang dami na ng tao at sasakyan kaya napilitan kaming maglakad ng sobrang layo makapunta lang sa venue. Sa pagmamadali ay nakalimutan namin ang baon naming pagkain sa sasakyan.
Nakipagsiksikan na kami sa sobrang kapal ng tao papunta sa venue. That time sarado na ang lahat ng gates dahil kasalukuyang ginagawa ang healing session. Hindi namin alam kung saan ang mga gates kaya nagpumilit nalang kaming makapunta sa may fence para kahit bendisyon lang ay okay na.
Mabuti nalang at nakisama ang panahon dahil makulilimlim na medyo umaambon at mahangin kaya walang masyadong hinihimatay kahit madaming tao. Pero napansin ko na walang mahirap at mayamanan that time. Lahat ay pantay pantay.
At 2PM ay natapos na ang first batch at nag lunch muna si Father sa may isla ng Lakeshore. Kaya naman binuksan na ang gate para sa second batch. Pero malayo kami sa mga gates. Yung isang babaeng katabi namin ay gumapang sa ilalim ng fence makapasok lamang at pagkatapos ay binigyan kaming upuan at saka umakyat sa fence. In short, nag over da bakod kami kaya kami nakapasok at nakakuha ng upuan sa loob.
4:30 PM na nung umpisahan ni Father Suarez ang Healing Mass. Ang masasabi ko lang ay iba sya mag conduct ng misa dahil may laman at tatamaan ka sa kanyang mga sinasabi. Iba ang pakiramdam. Kikilabutan ka talaga sa misa palang.
6 PM ng nung umpisahan ang healing session. Dahil sa sobrang dami ng tao ay natagalan kami bago kami mahaplos ng mainit na kamay ni Father Suarez. Kakaiba talaga ang kamay nya. Pagdampi sa may ulo ko ay mainit ang naramdaman ko kaya naman dinala ko kamay nya sa may dibdib ko dahil nga sa high blood ako. After that, nawala instantly sakit ng ulo ko.
Pero eto ang nakakakilabot na nasaksihan ng dalawa kong mata. Yung isang pasyente ay nakahiga sa isang mesa na may foam, nakakumot at may nakalagay na oxygen sa bibig at ilong. Hindi kona matandaan kung ilang years na syang ganon. After haplusin ni Father Suarez ay maya-maya lang tumayo ang pasyente sa kanyang higaan, inalis ang oxygen at saka inakbay para tulungang maglakad papunta sa may exit.
Yung isang taga Manila ay nag testify, sabi nya two weeks ago nag attend sya ng healing mass sa ibang lugar at pagkatapos ay nagpa check-up sya doctor at CT-Scan at ang sakit nyang Cancer na Stage 4 ay negative na. Nakita ko yung ale na kalbo dahil sa kemo.
Marami pa akong mga testimonials na narinig. Hindi na kami nagtagal doon dahil pagkatapos kaming mahaplos ay kaagad kaming lumabas at pumunta na sa aming sasakyan at saka kumain. Imagine from 12:30 hanggang 8:30 PM ay hindi kami kumain at hindi rin uminom ng tubig. Hay, mabuti nalang at may candy ang bulsa ko.
Pero ang masasabi kolang ay sulit ang oras at pagod namin sa pagpunta namin. =)

19th MonthSary
Yesterday it was our 19th MonthSary and we did not celebrate together dahil nasa Healing Mass ako at umuwi ako sa amin since Friday pa. Siguro yung dinner namin sa KFC last friday ay yun na yung celebration para tipid. he he.
Our monthsary is just like an ordinary day. Siguro nasanay nalang kaming ganito. Unlike dati na may date at gift pa. Aminin natin na madalas nangyayari sa isang relationship na habang tumatagal kayo ay parang unti-unting nawawala ang romance o kilig sa isa't-isa.
In our case siguro ganon nga lalo na magkasama kami sa isang bahay for more than 18th months. Prang naging relax na kami sa isa't isa. Yung bang tipong okay na basta magkasama kayo.
Pero he texted me this..."I love you bhe...I thank God He gave you to me...I will love you for the rest of my life...You mean everything to me...Happy 1 year and 7 monthsary". O diba ang sweet?he he he
Alam ko at nararamdaman ko rin na nagbago na nga sya, salamat sa Diyos at unti-unti na nyang tinutupad mga dasal ko...yun ay tuluyan na syang magbago at maramdaman ko na talagang mahal nya ako.
Sana nga lang ay magtuloy-tuloy na. Ngayon napatunayan ko na kayang magbago ng isang tao kung gugustuhin nya. =)
Ang "Talong" ni Jessica
Nasabi din sa episode na ito na ang talong ay mayaman daw sa Fiber na mainam sa mga nagdi-diet. Nabigla ako dahil maraming nagsasabi na ang talong ay walang sustansyang naiibigay sa katawan instead ay lalala ang rayuma mo.
Kaya nman para ma convince ako ay nagpatulong na ako kay kumpareng Wiki, at eto ang sabi nya...
It can block the formation of free radicals, help control cholesterol levels and is also a source of folic acid and potassium.
Eggplant is richer in nicotine than any other edible plant, with a concentration of 100 ng/g (or 0.01mg/100g). However, the amount of nicotine from eggplant or any other food is negligible compared to passive smoking."
Thursday, January 17, 2008
Bonding Moments with Claire
Tuesday, January 15, 2008
My Stage of Transformation
A lot of my friends and office mates keep on asking the same questions about my stage of coming out in the closet. So here it is... Monday, January 14, 2008
Ang Buhay ay Parang Bato...
Too Busy and Too Early Preparation
All of us at home are too busy for a too early preparation....for our annual barangay fiesta on April 27. Masyado nga maaga ang preparation kung iisipin pero mas maganda na yun kesa naman sa naghahabol kami sa oras.
Currently ay sinisimulan ng lagyan ng kisame ang Living, Dining at Kitchen area para naman mas malinis tingnan. Pagkatapos ng ceiling ay naka line-up naman ang finishing ng flooring tiles. Alam namin na medyo mabusisi ang finishing kaya naman medyo maaga naming pinaumpisahan. Nanay ko naman ay kasalukuyan nyang tinatahi ang bago naming kurtina para habulin din sa fiesta.
Sunday ang Fiesta namin this year kaya naman we are expecting loads of visitors. Meron narin kaming alagang baboy para katayin. Hindi lang ako sigurado kung alam nyo paano i-celebrate ang barangay fiesta sa mga baryo. Ginagawa pa rin namin ang lumang tradisyon. Yung tipong lahat ng kamag-anak mo ay dudumugin kayo simula bisperas hanggang fiesta ng gabi kaya kelangan nyo magkatay ng baboy para hindi magkulang ang handa.
My brother who is currently working in Gerry's Grill ay kinonfirm na mas marami sya bisita this year. Mga bisita nya dumarating from 8PM - 12 Midnight. Yung isang kuya ko naman mga bisita nya na isang dyip ay lunch time kung dumating. Ako naman paiba-iba, by batch ang sa akin. Mula lunch time, hapon at dinner. Mga kamag-anak namin ay mula bisperas hanggang fiesta ng gabi.
I admit na medyo malaki nagagastos namin kapag fiesta. Pero sabi nga namin ng kuya at nanay ko, THANKSGIVING nalang ito mula sa amin sa mga blessings naming natatanggap at dahil walang nagkakasakit ng grabe sa aming lahat.
Saka iba din yung feeling kahit sobrang pagod ay positive feedback naman nakukuha namin. Last year yung mga kapitbahay namin ay nabigla nalang dahil sa sobrang dami naming bisita kaya. Parang may ikinakasal sa dami ng tao dahil nagkasabay-sabay ang mga dating ng bisita. Ewan kolang this year....pinaghahandaan na namin ito para naman hindi magka-aberya.
Sa mga friends ko...mark your calendar on April 27 (Sunday). Aantayin ko kayo...=)
Pizza and Shake Treat
stolen shot pero cute parin...he he he
ala Diether....
food namin...Thursday, January 10, 2008
Black Nazarene
Hindi naman natin sila masisisi bakit sila nakikipagsiksikan para lang makasali sa prusisyon o kaya ay makahawak dun sa lubid. Ang tatay ko ay dati ring deboto ng Black Nazarene noong binata pa sya na dati silang nakatira sa may Dapitan.
Sabi ng tatay ko, may sakit sya dati sa liver kaya naging deboto sya doon. Since naging panata ng tatay ko yun ay nawala ang sakit nya sa atay without prior diagnosis. Pero tapos na yata panata ng tatay ko kaya hindi na sya sumasama sa prusisyon instead ay nagsisimba nalang sya doon kapag pumupunta sya ng Maynila o kaya kapag pinapasyalan nya yung Tita ko sa may Dapitan.
I am not encouraging everyone na gawin din iyon kung ikaw o isa mga kamag-anak mo ang may sakit. Kahit ako ay pa rin halos naniniwala dahil hindi ko naman personal na naranasan yun.
Pero kagabi yung napanood ko balita, merong mga iilang deboto na parang hindi seryoso sa mga ginagawa nila. O baka hindi nila alam ang tunay na dahilan bakit sila nandoon. Yung iba kasi nagkakatuwaan pa, pinagti tripan yung isang mama na medyo may diprensya yata sa pag iisip. Yung isa naman nagsindi pa ng kwitis na pumutok sa may tabi lang nila. I am not sure if they are just trying to entertain themselves while waiting for the procession. Ang sa akin lang ay sana huwag naman ganun instead ibigay mo ang true vocation mo.
Pero nakakatuwa ding isipin na sa malaking crowd ng tao ay sama-sama ang mga mahihirap at mayayaman. Sana nga lang ay laging ganito ang mga Pilipino, nagkakaisa para sa ikasisiya at ikauunlad ng lahat. At sana din ay wala ng mamatay sa mga deboto sa susunod na taong pista ng Nazareno.
Wednesday, January 9, 2008
Tuesday, January 8, 2008
My 2007
I started the driving lessons. I can now drive but not on major highways.
Did you keep your new years’ resolutions, and will you make more for next year?
I don't have new year resolutions.
Did anyone close to you give birth?
Yes. Anne and Annabelle.
Did anyone close to you die?
Yes, my partner's dad.
What countries did you visit?
Wala pa eh
What would you like to have in 2008 that you lacked in 2007?
More money....to save.
What date from 2007 will remain etched upon your memory, and why?
June 2007. My partner's Dad passed away before our 1st Anniversary.
What was your biggest achievement of the year?
NONE...instead a LOT OF FAILURES!
What was your biggest failure?
I did not pass the application two times.
Did you suffer illness or injury?
No. Coz I'm taking maintenance medicines for my BP.
What was the best thing you bought?
New Guess Shirts and Havainas Flip Flop
Whose behavior merited celebration?
I can't think of any.
Whose behavior appalled you and made you depressed?
Hmmmm..my partner. LOL
Where did most of your money go?
HSBC and Citibank
What did you get really, really, really excited about?
To finish our house before our Fiesta on April.
What song will always remind you of 2007?
Still our theme song How Did You Know.
Compared to this time last year, are you: i. happier or sadder? ii. thinner or fatter?
I am happier and thinner.
What do you wish you’d done more of?
Still, save money.
What do you wish you’d done less of?
Negative thoughts.
How will you be spending Christmas?
Spent it with my family.
Did you fall in love in 2007?
No, as I already have one. =)
What was your favorite TV program?
Maging Sino Ka Man and PBB
Do you hate anyone now that you didn’t hate this time last year?
I don't hate anyone.
What was the best book you read?
The Alchemist and Eleven Minutes by Paulo Coelho
What was your greatest musical discovery?
None
What did you want and get?
MP3 Player and new Cellphone.
What did you want and not get?
iPod.
Favorite film of this year?
Harry Potter
What did you do on your birthday, and how old were you?
I received a birthday surprised for the first time. I’m 27.
What one thing would have made your year immeasurably more satisfying?
I am not satisfied with my 2007.
How would you describe your personal fashion concept in 2007?
Still casual
What kept you sane?
Giving the unconditional love with my partner.
Which celebrity/public figure did you fancy the most?
Matt Mendoza
What political issue stirred you the most?
I hate politics.
Who did you miss?
My sister and her kids
Who was the best new person you met?
I met a lot of best person.
Tell us a valuable life lesson you learned in 2007.
Love yourself first.
Quote a song lyric that sums up your year.
The whole lyrics of How Did You Know
*Got this from a friend so tell me about your 2007 too and post away!
Saturday, January 5, 2008
My First Post
It's already January 05 at ngayon lang ako nakapag sulat ng personal blog ko. Tinatamad kasi ako dahil parang may New Year hangover pa ako. Sobrang napagod ako last December 31 dahil sa kaming dalawa lang ng nanay ko ang nag prepare ng mga pagkakaing ihahanda namin. Ganun pa man ay masaya naman kaming lahat sa pagsalubong ng bagong taon.This year umabot mahigit 6,500 ang nagastos namin sa mga paputok at fireworks. Share-share kaming magkakapatid. 5 years na namin kasi ginagawa ang mini fireworks display kapag dumaan na ang prusisyon. Inaabangan kasi ito ng mga tao sa amin kaya hindi pwedeng hindi namin gawin kahit medyo magastos nga lang.
Baryo pa kasi sa amin kaya most of the people in our barangay ay hindi nakakakita ng live fireworks display kaya napapa "wow" sila. Nag umpisa kami dati sa 7 at 12 shots ng Dragon Fireworks. Ngayon ay 36 Shots Premium Edition na ginagamit namin kaya mas maganda sya talaga. This new year, sinubukan namin ang "sawa" at nagustuhan namin kaya sa susunod ay baka pupunta na kami ng Bocaue para doon na bumili at ng medyo makamura kami.
Umabot naman sa 14 klase ang prutas namin. Halos lkasi ay napitas lang namin sa bakuran. Pero ang hindi ko talaga makakalimutan ay ang halayang ube. Dahil sobrang dami ng trabahong gawin bago sya matabos. Ilalaga, babalatan, kukudkurin at pagkatapos ang pinakamahirap ay kapag hinahalo at niluluto na sa malaking kawali o kawa. Talagang pagpapawisan ka ng todo at sasakit ang buo mong katawan kinabukasan.
Pero sulit naman ang pagod dahil kahit sino tumikin ay nasasarapan sila sa ginawa namin. Naghabilin nga partner ko kaya hayun, 3 days niyang kinakain. Tinitipid nya at ayaw ipamigay sa iba. Galit-galit daw muna. Specialty ng nanay ko ang halayang ube at atchara bukod pa sa masarap syang magluto. Ako naman ay sa fruit salad ako bumabawi dahil yun ang specialty kong gawin.
Habang hinihintay dumating ang prusisyon at 12 ng gabi ay sounds kami ng malakas at nagbo-bonfire at nag-iihaw kaming hotdog at stuffed pusit. Pag may naluto kain agad kasama ng red wine. Tapos magsisindi ng mga kwitis at yung "kabase" na tinatawag nila. Isa syang malaking trianggulo na malakas ang pagsabog. Ganyan usually ginagawa naming pagsalubong sa bagong taon...pagod na masaya. =)






















































