Tuesday, September 30, 2008

Missing those hugs ang legs...

Yesterday, hindi pumasok ang partner ko sa work nya kasi nakasumpong ang migraine nya at the same ay birthday ng kapatid nya. Since gabi pa naman yung celebration ay sinamahan muna nya akong matulog sa kwarto at kelangan naya rin umidlip dahil nga masakit ang ulo nya.

Sabi ko sa kanya ay na miss ko yung yakap nya habang natutulog kami at saka yung kanang paa nya na nakapatong sa kaliwang paa ko. On that way kasi ay madali akong makatulog. Naging mannerrism ko na kasi yun sa kanya.

Biniro pa nga nya ako, sabi kasi daw ay iba na ang yumayakap sa akin. Nagselos pa daw sya kunwari. he he he

Anyway, by October ay morning shift na sya sa work nya kaya makakatabi ko na naman ulit sya sa pagtulog. =)

Monday, September 29, 2008

How's Our Economy Daw...

Yesterday, almost end na ng shift ko ay nagkaroon akong nakakatawang call. Nabigla kasi ako kaya kung ano na ang nasabi ko. Eto ang nangyari...

Habang on the way ang troubleshooting, sumingit ng "short talk" ang caller. Usually ang tanong nila ay "Where you from?", "How's the weather there?" at "What time is it now?". So prepared nako sa mga ganung questions.

Pero nabigla ako ng tanungin nya ang "How's your economy there?". Dahil sa pagkabigla ko at unexpected ang tanong nya, bigla ko tuloy nasabi "I don't know what's happening with our economy. I'm just busy working here". Then after 3 seconds na realize ko yung sinabi ko kasi tumatawa yung caller kaya hayun tawa rin ako ng tawa. Habang nagbibigay akong instructions ay natatawa pa rin ako, hindi ko talaga mapigilan.

Then after that call, I realize na sa ngayon pala ay medyo bumabagsak ang economy ng US kaya nya siguro natanong yon. Anyway, para sa akin, nakakahiya pa rin ang sinabi ko. At kahit nasa bahay ako ay natatawa ako sa sarili ko kapag naaalala ko yun.

27th Monthsary

Yesterday, my partner and I celebrated our 27th Monthsary. It's just a simple celebration, a usual celebration na kakain lang kayo then mag-uusap. May pasok kasi sya sa work nya kahit day off.

I still can't believe na magkakaroon pa ng ganito after nga nung mangyaring cool off. Pero eto nga at pinagce-celebrate pa namin. Sabi ko nga dati, just enjoy kung ano meron ngayon. he he he

Last Saturday naman ay inumpisahan kona ang paglalagay ng mga Christmas decors sa bahay namin. Inumpisahan ko sa garland sa may hallway sa loob at saka yung Christmas Tree. In fairness, parang nagka-kulay ang bahay. Ang saya talaga ng feeling kapag season ng Pasko kahit medyo magastos lang. he he

Thursday, September 25, 2008

After 16 Days...

Yesterday while I am at work ay nag text ang partner ko. Sabi nya nami-miss na raw nya ako at kung pwede ay magkita kami sa SM Clark ng 3PM para mag-usap. Sabi ko sure, tutal ay pupunta naman ako sa SM para gawin yung mga papel na inaasikaso ko.

At 3:05 ay nagkita nga kami at kumain sa Tokyo Tokyo. Sabi nya, sorry daw dun sa mga nasabi nya at kalimutan na lahat yung nangyari at mag move-on na ulit kami together again. Ibig sabihin ay balikan ulit. Nag sorry din ako sa kanya, I know may mga mali din ako.

After naming kumain ay naglakad lakad at tingin-tingin muna kami kasi 6PM pa pasok nya sa work. So yun nga, after 16 days na cool off eto kami ngayon at kami pa rin. he he he

Tuesday, September 23, 2008

Got Sick

Since friday ay mayroon na akong sipon. Lumala ito kaya noong sabado ng gabi hanggang linggo ay nilalagnat ako kaya hindi na ako nakapasok sa work ng monday. Nagpahinga talaga ako sa bahay, usually laging tulog. Hindi rin ako makakain ng maayos dahil sa walang panlasa at walang gana. Talagang masakit pakiramdam ko kaya dinaan ko nalang sa tulog.

Since hindi nga ako pumasok ng monday, umuwi naman ang kuya ko na nagwowork sa Gerry's noong sunday afternoon. After more than 5 months ay hindi kami nagkikita at nagkakausap dahil sa hindi pareho ang mga day-offs namin.

Anyway, napag-usapan namin ang next plan namin sa bahay kapag nakuha na ang mga 13th month pay namin. Ipapa tiles daw namin ang bahay kung kaya ng budget. Kung hindi ay yung railings nalang ng hagdanan ang ipapagawa. Maaga pa nga pero sinamantala kona yung araw na nagkita at nagkausap kami.

Every year ay sa bahay napupunta mga 13th month namin kaya hindi man ako excited kasi wala din ako mabibili para sa akin. Pero okay na rin yun kasi nakikita naman namin ang mga naipupundar namin sa bahay kapag umuuwi kami. =)

Monday, September 22, 2008

Bonding Moments with College Friends

It's been 6 months nung last kaming magkita kita ng mga college friends ko. Yung last time ay noong nagpunta sila sa fiesta namin noong April 27. Actually, ako nag initiate to invite them kasi nga down ako dahil sa mga nangyayari sa akin and I need them para naman malibang ako.

I just realized na this is the right time for them to know what's really happening with me and my partner, together with my other personal problems. And they are better listener kaya naman present sila halos dahil nagkataong day-off naming lahat.

Original plan ay sa SM Pampanga, pero nagbago ito during last minute dahil yung isa ay may meeting ng 7pm kaya we all decided na sa SM Clark nalang at 1pm.

Meeting place namin sa foodcourt at doon nila sinimulan ang pag interview sa akin. It took more than an hour noong natapos ako mag kwento sa kanila until we decided na kumain na.

Kain sana kami sa KFC, kaso nadaanan namin ang Cabalen at open na yung Merienda Eat All You Can for 128 pesos. The last time namin ginawa ito ay 4 years ago. Kahit babae mga kasama ko at may medyo payat ay malakas sila kumain. Kaya sulit talaga kapag pumupunta kami sa eat all you can. Favorite namin dito ay yung Dinuguan at Puto. Pero syempre tinikman namin lahat. he he he

Busog na busog kami, hindi na nga kami bumili ng snacks at hindi na rin nag dinner sa bahay dahil sa sobrang busog. Sabi nga nung isa, para daw kaming kakatayin bukas dahil sa pinuno namin ang mga tiyan namin.

At 3:50PM pinanood namin yung I.T.A.L.Y.. We decided na yung medyo comedy ang panoorin para naman mawala ang mga lungkot at stress namin sa buhay. In fairness, hindi lang ako ang nag share ng mga problems. Lahat kami ay nag share.

Nakakatawa yung movie at realistic yung story. At kahit papaano ay makakalimutan mo ang mga problema dahil hinding hindi ka maiinip sa pelikula nila.

After nung movietime ay nag-order kaming Zagu at nag-unwind sa SM Clark's Meeting Place at tuloy tuloy parin ang kwentuhan at sharing ng mga stories at plans.

Yung isa naming friend na manager sa Chowking ay lilipat na sila ng asawa niya next month sa bago nilang bahay sa may Fiesta Communities. Overnight daw kami doon sa house blessing sa second week of October.

At 6:45PM hinatid na namin ang isa dahil nga may meeting sya ng 7pm. At kaming tatlo ay nagpunta sa may Bayanihan Park. Naupo sa damuhan at tuloy pa rin ang kwento kahit na kumikidlat na. Natapos na kami ng 9:30. Kung hindi pa siguro umulan ay baka hindi kami natapos dahil sa dami ng mga kwento.

I really thanked my friends who are always there for me. Especially ngayong mga panahong ito na kelangan ko ng mga taong makakausap. Talagang nasiyahan ako at nag enjoy na ksama sila. Can't wait na maulit muli ito. Here are some of our pictures....
at Cabalen SM Clark

SM Clark's Mezzanine


Zagu time at SM Clark's The Meeting Place
Bayanihan Park
Bayanihan Park

Thursday, September 18, 2008

High Blood Day

Dito sa isle namin sa work, halos na high blood ang mga tao dito. Umpisa pa lang ng shift namin ay nabigla kaming lahat ng marinig ang malakas na boses at sumisigaw sa kausap na caller. Napatingin kami lahat sa kanya at isa pala syang supervisor. Narinig kolang ay "I'm the boss here". Then yung mga ibang kasama ko pumapalakpak sa saya. Ewan ko bakit pero nakisabay narin ako sa pagpalakpak. he he he

Then 2 hours later ay may isang agent na naman ang umeksena. Yung kaninag inupuuan ng Sup ay one seat apart lang. Ang natatandaan ko nalang sa sinabi nung agent ay "don't yell at me..." at "supervisor" at biglang hinagis nung agent and headseat nya at saka umalis para maghanap ng supervisor. Nagtinginan nalang kami at saku tumatawa ng kaunti.

Then an hour later eto namang friend ko na katabi ko. Naha-high blood din sya sa kausap nya kaya binibiro ko sya na dahil sa Leche Flan na kinakain nya kaya sya na ang sumusunod.

So far, sa akin naman ay hindi pa ako na high blood. Medyo okay ang sleep ko last night kaya nasa mood ako to take calls and I do have a lot of patience pa naman. he he

Wednesday, September 17, 2008

Mall Everyday

Since monday after ng work ko ay diretso ako sa SM Clark para ubusin ko ang oras bago ako umuwi ng bahay. Dahil nga cool off, ay dapat hindi kami nagkikita at nag-uusap. Talagang iwasan ever. So after my shift ay punta muna ako SM para ikot ikot lang hanggang maubos ang oras ko. At least excersice pa rin siguro yun dahil sa kakalakad kahit medyo masakit sa paa.

Ang nakakainis nga lang, dati kasi umaalis sya ng maaga, usually 3:30 or 4PM at punta din sya sa Mall bago sya pumasok sa work nya. Pero since Monday, past 5PM na sya kung umalis. Para bang sinasadya pa nya na late umalis para talaga magtagal ako sa labas at antok na antok na ako. Ayoko pumasok sa loob na andun sya. Pumapasok lang ako sa bahay pagka alis nya kaya naman everyday ay puyat ako at laging kaunti ang tulog.

Pero titiisin ko ito dahil ayaw ko rin naman syang kausapin after nung nangyari noong Saturday. Mayroon syang sinabi sa akin na hinding-hindi ko matanggap dahil sa napakasakit nito sa akin. I cannot imagine that he can easily say that two words to me after more than 2 years na magkasama kami. Nawalan na syang respeto sa akin.

Ilanng beses nya ako niloko, sinaktan both physically at emotionally pero hindi nya narinig sa akin ang word na yun na lumabas sa bibig ko. Pero sya, ang bilis, parang wala lang sa kanya. At sabi pa nya, hinding-hindi daw sya magso-sorry for saying that kaya lalo akong naiinis at nagagalit.

So far, marami pa rin akong iniisip kaya madalas ay sinusubukan kong libangin ang sarili ko habang nasa mall. Ewan ko kung hanggang kailan ako magiging ganito at kung ano man ang magiging desisyon ko.

Monday, September 15, 2008

Blind Item 103: Kokey's Flavor of the Month

Kung nabasa mo yung post ko dati about "The Mentor" noong March 2008 ay sya pa rin ito. Yung mga kasamahan ko kasi bininyagan sya as "Kokey" dahil kamukha daw nya. In fairness, kahawig nga. He he he

Well, matagal konang naaamoy ang taong ito. Isa syang malansa. He he he. I mean isa syang "closet" as in malaking closet dahil malaking tao ito. he he

Anyway, dahil sa closet nga ang taong ito ay lagi kong sinusubaybayan ang mga kilos nya kapag nasa work. Kapag type ka nya, lagi ka nyang tatabihan, pagdadala at bibigyan ng pagkain. Galante ang taong ito lalo na sa pagkain.

Kapag type ka, dadaanin ka sa kwento, Kung ano nakita or napansin nya na interests mo ay doon ka kukunin at kakausapin na kunwari ay marami syang alam tungkol doon.

Nasa training palang kami noon ay type na nya yung isa sa amin. Hanggang sa napunta kami sa floor at naging March and April flavor of the month nya yung kamukha ni Joross Gamboa. Everyday ay tinatabihan nya ito aty kinakausap na para bang super close na sila. Pati mailing address nalaman pa nya ha. E diba kakabilib sya?

Then May flavor of the month nya ay yung kamukha ni Spencer Reyes. Ganun din ginagawa nya, isang style lang. Kukuwentuhan ka sa nakikita at naririnig nya sa iyo.

June and July type nya ay yung kamukha ni Mark Herras. Same style pa rin. At sabi ng taong ito, pinilit daw kunin number nya at lagi sya tine txt na minsan ay wala naman daw sense.

September guy nya ay eto namang friend ko. Hindi ko alam kung sino kahawig nyang artista eh. Same pa rin ang style nya, pinagre-reserved pa nga nya ng pod eh. Tapos nagte-txt daw lagi sa kanya na madalas ay non-sense din.

Last week ay niyayaya pa nya daw sya na pumunta sa SM. Nagdahilan nalang itong friend ko na hindi sa pupunta doon, at buti nalang ay nagkaroon sya ng extended call dahil si Kokey ay naghihintay pala sya sa labas.

Sabi ko nlang sa friend ko na huwag na pansinin mga text nya dahil magsasawa din sya kung wala naman sya natatanggap na reply. Pero minsan daw ay tinanong sya bakit hindi sya reply. Kulit talaga nya no? he he

Iyan ang style ni super closet Kokey...=)

Tuesday, September 9, 2008

TechMail Peeps@Angeles Fried Chicken

Yesterday ay natuloy yung reunion, get together or foodtrip namin. Original plan ay sa bagong eat all you can na Dulang Restaurant. After our shift at kahit sobrang init ang sikat ng araw ay hinanap namin iyon.

99 pesos at eat all you can daw ang pang catch nila kaya naman pumunta kami doon. Kaso nga lang nung andun na kami at tingnan yung pagkain ay nadismaya kami. Dahil sa open ang restaurant, may mga langaw na dumadapo sa pagkain. At yung ulam na luto ay parang sa carinderia lamang. Sulit sa 99 pesos. Pero nag-isip kami at nag decide na sa Pizza Hut nalang.

Kaso nadaanan namin ang Angeles Fried Chicken kaya doon nalang kami pumasok. In fairness masarap ang pagkain nila. Okay din sa budget. Specialty nila ay syempre manok. he he he

Welll, we really enjoyed the food. As usual, hindi nawawalan sa usapan ang tungkol sa trabaho. Nakarating din sina Fran at Ate Skitz kaya naman parang reunion yun sa amin.

Sabi ng mga kasama ko, next time daw sa payday ay sa Pizza Hut naman daw. Here are some of our photos...





Flowerhorn...ang laki ng isda nato
chopsuey and calamares
sisig...

bill time...
after kumain...

going home...

Cool Off

It's official, after 2 or 3 attempts ay naging official na ang cool off namin ng partner ko. Last night ay nag-usap kami ng halos tatlong oras about our relationship until he finally asked for "Cool Off'".

I don't want to be selfish. Hiningi nya sa akin yun kaya binigay ko gusto nya. I know na matalino sya at alam nya kung ano gusto nya na makakabuti pra sa aming dalawa.

But, this is my first time to experience this "cool off" thing. Yung previous relationship ko kasi ay break-up agad at walang ganito. Kaya last night at until now iniisip ko kung paano ang sitwasyon ng isa nasa cool off at kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Ang alam ko lang ay yung hindi sya i-text or kausapin to realize everything and to give some space.

So far, i'm not sure kung hanggang kailan kami ganito. I will just wait and see kung ano mangyayari in the coming days.

Friday, September 5, 2008

Bawal daw...

Yesterday, almost end of the shift na then suddenly may dumaan na guard para i-check yung buong area. Kinuka ko ang Sky Flakes sa pouch bag para sa kainin. Habang hawak ko ay biglang sinabi ng guard "Sir, bawal po ang pagkain". Nabigla nalang ako at sabi ko "ha"?, "ok". At saka ko pinasok ulit ang baon ko sa bag.

Hindi na ako nag react pa. Pero to be honest, nainis din ako sa ginawa nya. Sabi ko nga, kung alam nya lang kung ilang oras ang hihintayin mo bago ka makakain at pahirapan pa ang pag take ng break, kung alam nya lang gaano ka stress at kung gaano kahirap ang sitwasyon namin kahit nakaupo lang kami dito.

Gutom pa man din ako at Sky Flakes sana ang pantawid kong gutom habang pauwi. Pero hindi kona kinain kahit nung umalis pa sya. Nawalan narin ako gana dahil sumama talaga loob ko at sobrang inis.

I'm not taking personally, I know na utos lang sa kanila yun. Pero ang point ko lang ay sana magkaroon lang ng kaunting konsiderasyon.

Wednesday, September 3, 2008

Got Late...

Hmmm, na-late ako sa work ko. he he he. 1 hour and 30 minutes lang naman akong late. Nagising ako eksaktong 3AM at 3:15 ang shift ko. Hindi kona matandaan kung nag alarm o hindi ang cellphone ko basta pag gising ko 3AM na. I thought pumalya yung wall clock pero nung i-double check ko ang oras sa watch at cellphone ko ay talaga palang 3AM na.

Then tumawag ako sabi ko male-late ako at baka 5AM nako makapasok. Kaya pagkatapos nun ay nagpaghinga lang akong kaunti at saka naligo na ako. Nakarating ako sa work ng 4:36AM.

Naisip ko rin kasi na kung hindi ako papasok, ano naman gagawin ko sa bahay? Magkukulong nalang maghapon at nood ng TV? Sayang din ang VAC credit, pwedeng gamitin yun sa importanteng okasyon o kaya naman sa leave conversion sa January. he he he

Monday, September 1, 2008

"BER" Month Na...

Napakabilis talaga ng panahon. Akalain mo bang SeptemBER na no? Kpag may BER na ang mga buwan, ibig sabihin papalapit na ang gastos ay Pasko pala. he he. Well, kahit na magastos ang season na ito ay masaya naman.

Umpisa na ring i-prepare nyan ang Christmas decorations, listahan ng mga inaanak at mga ireregalo. Pagdating sa birthday ni Jesus ay kelangan maaga ang preparation. Syempre special ang araw na yun sa ating lahat.

To be honest, I'm excited with this 2008 Christmas. I'm not sure bakit pero yun ang nararamdaman ko.

Hindi ako excited sa 13th Month pay kasi eversince hindi naman sa akin napupunta dahil nakalaan lagi sya sa bahay. This year baka ipagawa ko yung grills at railings ng aming hagdanan sa bahay.

Siguro by the last week of September ay uumpisahan kona ang paglalagay ng mga Christmas decorations sa aming bahay. Usually kasi ay inaabot akong isang buwan para matapos lahat dahil sa tuwing day-offs lang ako nakakapag-ayos.

Sana kayo rin excited sa Paskong ito kahit medyo magastos. he he =)