
Ang plano sana ay kakain sa mall sa may Burger King, then kwentuhan, window shopping at kain ng dinner. Since na late si Ate Ada ng isang oras dahil sa kanyang hair-rebonding ay nagpunta muna kaming tatlo sa may supermarket at namili ng mga kanya-kanyang gamit.
5PM na dumating si Ate Ada at nag-iba ang lahat ng plano. We decided sa bagong bahay nina Ate Skitz nalang kami magpunta dahil daw sa may crispy pata doon at gulay. Nag agree kaming lahat. Si Ate Fran ay bumili ng cake sa Goldilocks at si Ate Skitz naman ay bumili ng Cassava Cake at inihaw na bangus.
Pagdating namin sa bahay ay walang tao kaya kaming apat lang ang nagsalo-salo doon. Picture dito at picture doon. Marami ang pagkain kaya naman sobrang nabusog kami. Then kwentuhan din.
Umalis kaming past 8PM na. Ang masasabi kolang ay kahit na apat lang kami ay talagang nag-enjoy kami at nabusog.
Ate Skitz, salamat dun sa food. =)
I'll post our pics soon.

0 comments:
Post a Comment