Wednesday, January 21, 2009

My Mom's Birthday

Yesterday, it was my mom's 65th birthday. Ako ang nag-initiate na ipaghanda nanay ko. Gusto ng mga kapatid ko na kumain nalang sa labas. Pero sabi ko mas praktikal kung magluluto nalang kami ng lunch at merienda at imbitahin yung mga tita ko para makisalo. Nag share kaming magkakapatid sa gastos.

Ganun na nga ang nangyari, kaya kahapon ay naka undertime ako sa work ng 11:00AM para umabot ako sa lunch time. At pagdating ko nga ay kasalukuyan na silang kumakain. Nagluto sila ng Spicy Sugpo, Beef Broccoli, Fried Chicken, Relyenong Bangus, kanin na binalot sa dahon ng saging at ska Pakwan as dessert. Kaya kahapon ay busog na busog ako. he he he

After lunch ay sinimulan na nilang magluto ng pancit at yung iba kong mga tita ay nanonood ng DVD ni Sharon Cuneta na "Caregiver".

Hindi na ako nakapag take ng mga pictures dahil medyo magulo sa bahay dahil ongoing ang paglalagay ng mga floor tiles.

After meryenda ay umuwi ako ulit ng Dau dahil nga may work ako ngayon. Nagdala nalang akong pancit para pasalubong ko. he he he

0 comments: