Thursday, January 1, 2009

Welcome 2009!

Happy New Year to all! Bagong taon pero andito na ako sa work at kumakayod. He he he. Anyway, kahit dalawang oras lang tulog ko ay nag-enjoy naman ako sa pagsalubong sa new year kagabi kasama pamilya ko.

After my work ay umuwi ako kaagad at ginawa ko yung fruit salad namin. Then tinulungan ko nanay ko sa relyenong bangus at pagkatapos ay nilagyan ng mga sticks yung hotdog para sa barbecue.

At 7:15PM ay dumaan na ang prusisyon. It's time for our mini fireworks display. He he he. Yearly kasi ganun ginagawa namin kaya inaabangan na ng mga nakikipag prusisyon. This new year's eve ay mas madami kami paputok at fireworks dahil sa Bulacan kami bumili.

Pagkatapos ng prusisyon ay kumain kaming dinner at pagkatapos ay habang nanood kaming TV ay nakatulog na pala ako. Nagising akong 10PM at nag-iihaw na sila sa labas malapit sa bonfire habang umiinom ng red wine at nagpapaputok hanggang sa salubungin na namin ang 2009.

At 12:30 ay nauna na akong natulog sa kanila at umidlip ulit ng isang oras bago magpahatid sa may shuttle service pick-up point. Kaya heto ako ngayon nasa work.

Heto ang mga paputok at fireworks namin this year.

Heto naman yung tinatawag nilang "Kabasi". Mahigpit itong pinagbabawal dahil sa sobrang lakas nito. Patago talaga ang pagbili nito. Magtanong kalang at makiusap at pagbibilhan ka kahit bawal.

0 comments: