My partner and I celebrated the 2009 Valentines day for two days. Actually ang plano talaga ay sa 15 na kami lalabas para iwasan ang madaming crowd sa mall, sinehan at sa mga restaurant. At isa pa ay first birthday nung inaanak ko sa pinsan nya.Feb. 14 after lunch ay umuwi na ako sa kanila para nga sa birthday. Pero dinner time pala yung birthday kaya nasa kwarto lang kami, nood ng TV at nagpapahinga.
After nung birthday, yung isa namang pinsan nya ay nagyaya syang lumabas kahit saan daw para hindi sya mainip dahil sa tahimik ang buong compound nila dahil sa okasyon.
Umalis kaming tatlo sa bahay ng 8:30PM at hindi alam kung saan pupunta. Pero naipit kami so bumper to bumper na traffic for more than an hour and 30 minutes at napunta kami sa SM Clark. Since crowded sa Meeting Place ay nagpunta kami dun sa bagong bukas na coffee shop sa may Friendship Highway. Kaso puro kape lang, wala man silang french fries or pastris kaya umalis din kami. Then yung pinsan ng partner ko ay nakapulot ng 100 pesos. Pandagdag daw sa gas.
Pagkatapos ay napunta kami sa may Sunset road sa Angeles na malapit sa Manibaug sa Porac ay nagpunta sa may Zulu AUF. Kaso crowded din kaya napunta kami sa may Zulu Diamond at sa wakas, after 3 hours ay nakapag pahinga rin kami at nakapag unwind.
Kinontak pa namin yung dalawang pinsan nila at nakisama sa amin. Kaya nagkaroon kaming group date sa mismong Valentines Day. Masaya kaming lahat dahil sa kwentuhan at nakauwi kami sa bahay ng 2:30AM at kwentuhan pa hanggang 5:00AM.
Feb 15, Sunday ay nanood kaming sine ng partner ko. Pinanood naming yung When I Met You na pelikula nina KC at Richard. Sa totoo lang ay na bored kami pareho sa pelikula nila kagaya nung nauna nilang movie. Mabuti pa daw na Single nalang yung pinanood namin.
Anyway, after naming manood ay kumain kaming dinner sa may Tokyo Tokyo at pagkatapos ay bumili kaming siomai at umuwi na para magpahinga at manood ng TV.
Sulit naman Valentines day celebration namin dahil 2 days kaming magkasama sa bahay at sa labas. =)

1 comments:
Hi Gurl
I read you story life ang sipag mo naman kakaenjoy basahin ang comment moh,
Hope kayo parin ng partner mo till now
Good luck
Its me
Rochelle
09223073282
Post a Comment