Last week napanood ko sa balita ang planong pagtakbo ng aming kasalukuyang Gobernador na si Among Ed sa 2010 bilang presidente. Bilang isa sa mga nasasakupan nya, medyo nag react ako sa napanood ko.I will agree dun sa sinabi nung aming Vice-Governor na ultimong Pampanga ay hindi nya maayos-ayos buong Pilipinas pa kaya? I'm not against him dahil sya rin naman ang ibinoto ko last election dahil during that time ay inakala kong magbabago at babangon lalo ang Pampanga after the Pinatubo eruption. Pero sa ngayon, ang masasabi ko ay nadissapoint ako sa pamumuno nya.
Wala akong nabalitaang mga projects na naipagawa nya sa Pampanga. Ang nabalitaan ko lang ay ang pag ipit nya sa pondo ng mga munisipyo kaya wala ding mga projects na naipagawa ang mga Mayors kaya hayun, nag aklas ang mga Mayor kaya hindi na rin sya sinusuportahan ngayon.
Iniisip ko na kung hahabol sya sa Pangulo, yung sanang perang gagastusin nya sa pangangampanya ay ibigay nalang sa mga taga Pampanga.

0 comments:
Post a Comment