Last Thursday ay nakabili na rin akong bagong isda sa aquarium ko after nga nung namatay yung alaga kong more than 5 years last October. Medyo natagalan bago ako nakabiling muli dahil sa mga ginawa sa bahay namin.Wala akong makitang King Kong Parrot sa mga petshot kaya Heart Shape Parrot fish ang nabili ko. Parehas sila ng breed yun nga lang walang buntot ang Heart Shape.
So far ay medyo mahiyain pa sila, naninibago siguro sa bagong lugar kaya kapag nakakakita sila ng tao ay nagtatago sila sa may sulok sa may filter pump.
I hope na tumagal sila sa akin kagaya nung nauna kong alaga. As of this time, wala pa akong maisip na pangalan nila.

0 comments:
Post a Comment