New shift sa work kaya bagong day off. Nagkataon na day off ko ng Fri-Sat sa old shit at Sun-Mon naman sa new shift kaya 4 days. At naka leave akong Tue. How I wish ay talagang bakasyon engrande 5 days na walang work kaso sa dami ng nira-rush sa bahay dahil nga sa fiesta ay mas nakaka pagod pa.Tinapos namin ng kuya ko ang pagpipintura sa may hagdanan hanggang 25 dahil bisperas ng 26 ay paglilinis naman ang aatupagin habang busy sa pagluluto ang mga tita at pinsan ko.
Bisperas ng fiesta ay napuyat kami dahil tinapos namin yung mga leche flan. Gumising pa akong 5:30AM para lang ilagay sila sa ref para lumamig at medyo tumigas.
Dumating ang fiesta. As usual kakapagod tlaga. Hindi man nga ako nakakain ng maayos. Since Monday ang araw ng fiesta namin ay marami pa rin ang hindi nakadating. Usually yung mga regular visitors lang namin ang dumating. Last batch ng bisita ay dumating ng 7:30PM. Yung mga kasamahan ng kuya ko sa bago nyang trabaho.
The next day, it's time for our annual summer outing. This time ay nag swimming kami sa may Villa Lyka Resort sa may San Matias, Sto. Tomas Pampanga. Nag enjoy kami sa outing dahil sumama yung tita kong tumulong sa pagluluto at mga ka-close kong pinsan.
Although pagod sa bahay dahil sa fiesta ay masaya na rin ako. Nagkaroon akong maraming time with my family and cousins na madalang lang namin makasama.

0 comments:
Post a Comment