Huwebes ng umaga habang nasa kalagitnaan ako ng paglalaba ay may natanggap akong text message mula sa partner ko. Tinatanong nya kung hindi ko raw napansin o tinago yung singsing nya kasi daw nawawala at hindi nya makita. Nabigla ako at kaagad akong nag reply at sabing hindi ko tinago o napansin.Sabi nya kahit anong hanap nya ay hindi nya makita. Habang nagte-text sya ay yun naman ang pag-init ng ulo ko. Naiinis ako at nagagalit dahil nga nawawala ang importanteng bagay na may kinalaman sa aming dalawa.
Sabi ko sa kanya, kung iniwan nya lang dun sa may kwarto namin ay walang magkaka-interes na kukuha dun dahil hindi naman ganun kaganda o kainit sa mata at hindi naman pwede ibenta yun. At saka may pangalan ko na naka engrave dun. Pinipilit ko sa kanya na naiwala nya dahil hilig nya kasing tanggalin yun sa daliri nya kapag naghuhugas sya ng kamay.
Sabi kopa, hindi ko iniisip yung pera o presyo ng singsing. I'm into its symbol ang meaning for the two of us. Lalo na't magta-tatlong taon na sa amin mga yun. Lalo pa akong nainis nung mag text sya at sabing siguro daw dahil may balak kaming bumili ng bago kaya ito nawala.
Anyway, medyo nahimasmasan lang ako nung nag text sya at sabing nawala man daw yung bagay na importante sa aming dalawa na pwede namag palitan, ang mas importante daw ay kami pa ring dalawa at magkasama. Sabi pa nya na may pa-promise promise pa na kahit anong daw mangyari ay mag-iipon sya para makabili kaming bagong singsing. =)

0 comments:
Post a Comment