Tuesday, June 30, 2009

3rd Year Anniversary

Last June 28, 2009, my partner and I celebrated our 3rd year anniversary. Sa kabila ng mga maliit na tampuhan before and on that day ay natuloy pa rin kami sa mga lakad namin.

Mula sa amin ay umuwi ako sa kanila ng Sunday morning at pumunta muna kaming SM Clark para bilhin yung bagong commitment ring namin. This time ay may bato ang mga singsing namin.

Pagkatapos ay pumunta na kami sa binyag, dumeretso kami sa bahay na dahil sa tapos na ang ceremony sa simbahan. Pagdating namin sa bahay ay nabigla ako noong sabay sabi ay ninong pala ako ng bata. I thought kasi ay hindi seryoso noong sabihin ng bestfriend ng partner ko na gagawin akong ninong noong nagkita kami noong May 15. Although nagkita kami noong 26 ay hindi naman nya ako ni-remind, edi sana nakapunta ako sa simbahan.

Umalis na kami sa binyagan ng 1:20PM at pumunta sa tagpuan kasama ng mga friends ko para pumunta sa Magalang, Pampanga para pumunta naman sa burol ng nanay ng friend ko. Dalawa lang hindi nakasama sa mga kaibigan namin at umalis kaming 4PM doon.

Pagbalik namin ng Angeles ay pumunta kaming SM Clark at nanood ng Transformers 2. Kahit na napanood kona ay sinamahan kona rin ang partner ko dahil gusto nya talaga itong mapanood. Okay lang sa akin na ulitin dahil sa maganda naman talaga ang movie. 5:55PM ang showing pero pumasok kami sa sinehan ng 5:20 at puno na kaagad ito. Sa may hagdanan nalang kami tuloy umupo.

Natapos ang movie ng 8:20PM at pumunta kami sa may Rumpa Restaurant para naman mag dinner. Nag order kaming Porterhouse at Spareribs at mashed potato saka iced tea. Medyo madami ang order kaya nag share kami sa food kaya naman nabusog kami.

Nakaumi na kaming 9:45PM, nagpahinga sandali, naligo at nag ............alam nyo na yun. he he he

0 comments: