Last Sunday, 8AM ay nagpunta ako sa laboratory ng isang ospital para magpa Blood Chemistry at Complete Blood Count. Pagkatapos kong makuhanan ng dugo ay nakiusap ako na kung pwede hintayin ko yung results ng 10AM.Umupo ako sa my lobby na malapit sa entrance at ka-YM ang friend ko sa cellphone at narinig ko yung lady guard kakwentuhan yung janitor na naglilinis. Tumingin muna sila sa akin, ako naman ay kunwari hindi ko sila naririnig. Sabi ng lady guard sa janitor, kahapon daw may mag lolang nilabas sa ospital at dinala sa San Lazaro Hospital sa Manila dahil daw sa ......[binulong]. Then biglang sabi ng janitor kaya daw pala naka face mask halos lahat ng staff sa ospital kahapon. Sabi pa ng gurd, "kaya nga mga apo ko ayaw kong magpunta sila dito".
Bigla akong kinabahan at naisip na Swine Flu kaya yon? Kung Dengue yun bakit kelangan mag face mask? Iniisip ko kung Swine Flu ay mayroon pa kayang virus doon. Ako pa naman mahina ang immune system at sa airborne virus.
I hope wala pa dito. Hindi kona babanggitin yung ospital dahil hindi rin naman ako sure kung confirmed yun o hindi. Basta laging tandaan ang sabi ni John Lloyd, "Ingat".

0 comments:
Post a Comment