Thursday, June 25, 2009

Transformers 2@GA

Kahapon ay ginanap ang quarterly General Assembly namin sa work. This time ay ginawa ulit sa SM Clark Cinema at pinanood yung Transformers 2. Pangalang beses na ito, yung nauna ay noong ipalabas ang The Mummy.

As usual, mahaba at matagal pa rin ang pilahan. Kaya naman pinaghandaan namin ng mga friends ko. Bago kmi pumila ay nag take-out muna kami sa McDo. Pero sa tagal ng oras sa paghihintay at habang nasa pila ay kinain na namin ang mga baon namin. Mabuti nalang din at nag provide sila ng mga upuan.

2PM kami pumila at nakapasok kami ng past 3PM. May short program at raffle pa kaya nag start na yung pelikula ng 3:50PM. Pero kahit na matagal ang paghihintay namin ay sulit naman dahil maganda naman yung movie.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng Transformers 2, panoorin nyo na dali.... =)

0 comments: