Tuesday, June 30, 2009

3rd Year Anniversary

Last June 28, 2009, my partner and I celebrated our 3rd year anniversary. Sa kabila ng mga maliit na tampuhan before and on that day ay natuloy pa rin kami sa mga lakad namin.

Mula sa amin ay umuwi ako sa kanila ng Sunday morning at pumunta muna kaming SM Clark para bilhin yung bagong commitment ring namin. This time ay may bato ang mga singsing namin.

Pagkatapos ay pumunta na kami sa binyag, dumeretso kami sa bahay na dahil sa tapos na ang ceremony sa simbahan. Pagdating namin sa bahay ay nabigla ako noong sabay sabi ay ninong pala ako ng bata. I thought kasi ay hindi seryoso noong sabihin ng bestfriend ng partner ko na gagawin akong ninong noong nagkita kami noong May 15. Although nagkita kami noong 26 ay hindi naman nya ako ni-remind, edi sana nakapunta ako sa simbahan.

Umalis na kami sa binyagan ng 1:20PM at pumunta sa tagpuan kasama ng mga friends ko para pumunta sa Magalang, Pampanga para pumunta naman sa burol ng nanay ng friend ko. Dalawa lang hindi nakasama sa mga kaibigan namin at umalis kaming 4PM doon.

Pagbalik namin ng Angeles ay pumunta kaming SM Clark at nanood ng Transformers 2. Kahit na napanood kona ay sinamahan kona rin ang partner ko dahil gusto nya talaga itong mapanood. Okay lang sa akin na ulitin dahil sa maganda naman talaga ang movie. 5:55PM ang showing pero pumasok kami sa sinehan ng 5:20 at puno na kaagad ito. Sa may hagdanan nalang kami tuloy umupo.

Natapos ang movie ng 8:20PM at pumunta kami sa may Rumpa Restaurant para naman mag dinner. Nag order kaming Porterhouse at Spareribs at mashed potato saka iced tea. Medyo madami ang order kaya nag share kami sa food kaya naman nabusog kami.

Nakaumi na kaming 9:45PM, nagpahinga sandali, naligo at nag ............alam nyo na yun. he he he

Thursday, June 25, 2009

Transformers 2@GA

Kahapon ay ginanap ang quarterly General Assembly namin sa work. This time ay ginawa ulit sa SM Clark Cinema at pinanood yung Transformers 2. Pangalang beses na ito, yung nauna ay noong ipalabas ang The Mummy.

As usual, mahaba at matagal pa rin ang pilahan. Kaya naman pinaghandaan namin ng mga friends ko. Bago kmi pumila ay nag take-out muna kami sa McDo. Pero sa tagal ng oras sa paghihintay at habang nasa pila ay kinain na namin ang mga baon namin. Mabuti nalang din at nag provide sila ng mga upuan.

2PM kami pumila at nakapasok kami ng past 3PM. May short program at raffle pa kaya nag start na yung pelikula ng 3:50PM. Pero kahit na matagal ang paghihintay namin ay sulit naman dahil maganda naman yung movie.

Sa mga hindi pa nakakapanood ng Transformers 2, panoorin nyo na dali.... =)

Tuesday, June 16, 2009

My Birthday

Last Friday, the whole country celebrated my birthday. He he. Hulaan nyo nalang kung ilang taon na ako. Anyway, kahit na holiday ay nasa work ako. Sayang din naman ang double pay.

After ng work ko ay nag visit ako sa may Blessed sa Holy Rosary at sa may Carmelite para magpasalamat at makapag dasal ng taimtim at pagkatapos ay umuwi na ako.

Nagpaluto akong pancit para kahit paano ay makapag-meryenda naman. Yung tito ng partner ko ang nagluto at yung asawa naman nya at kapatid ng partner ko ay nag-share sa lumpiang shanghai. Simple lang naman ang celebration. Ang partner ko naman ay binilhan akong cake. he he he

Tumanda na naman ako ng isang taon. Pero tuloy pa rin ang buhay. =)

Tuesday, June 2, 2009

Smart's Uzzap Service

I'm not sure kung alam nyo or naka received na kayong text from Smart about "Uzzap". Isa syang Messenger application na kelangan mong i-download kung activated na ang GPRS or 3G sa cellphone mo.

Matagal kona ring natanggap ang text na yun pero binalewala ko. Alam ko kasi may charge. Until last Saturday, dahil sa naiinip ako sa work kaya kinonfirmed ko sa kasamahan ko sa work kung may charge ba o wala. Matagal na raw nya kasing gamit yun.

Sabi ay wala kaya sinubukan ko at nag text sa 7272 ng UZZAP. Kaagad akong nakatanggap ng text na may kasamang link para i-download ang program. Free of charge din yung pag download at mabilis pa.

Nag balance inquiry muna ako bago ako nag-login. At pagka login ay may nag message kaagad sa akin. Yung friend na kasamahan ko dati sa work na nagpuntang Abu Dhabi.

Nag login din ako sa YM ko at naka chat din yung classmate at friend ko noong high school. After an hour ay balance inquiry ulit ako at wala ngang charge dahil under Beta pa pala yung application.

Anyway, ngayon ay 24 hours akong naka login. Kung may message man ay may setting na automatic lalabas sa cellphone mo kahit anong ginagawa mo at saka may sariling alert tone sya.

Sana subukin nyo rin. It's really a cool application to communicate with your friends online while using your mobile phone anywhere, anytime. he he he

Is Swine Flu Here?

Last Sunday, 8AM ay nagpunta ako sa laboratory ng isang ospital para magpa Blood Chemistry at Complete Blood Count. Pagkatapos kong makuhanan ng dugo ay nakiusap ako na kung pwede hintayin ko yung results ng 10AM.

Umupo ako sa my lobby na malapit sa entrance at ka-YM ang friend ko sa cellphone at narinig ko yung lady guard kakwentuhan yung janitor na naglilinis. Tumingin muna sila sa akin, ako naman ay kunwari hindi ko sila naririnig. Sabi ng lady guard sa janitor, kahapon daw may mag lolang nilabas sa ospital at dinala sa San Lazaro Hospital sa Manila dahil daw sa ......[binulong]. Then biglang sabi ng janitor kaya daw pala naka face mask halos lahat ng staff sa ospital kahapon. Sabi pa ng gurd, "kaya nga mga apo ko ayaw kong magpunta sila dito".

Bigla akong kinabahan at naisip na Swine Flu kaya yon? Kung Dengue yun bakit kelangan mag face mask? Iniisip ko kung Swine Flu ay mayroon pa kayang virus doon. Ako pa naman mahina ang immune system at sa airborne virus.

I hope wala pa dito. Hindi kona babanggitin yung ospital dahil hindi rin naman ako sure kung confirmed yun o hindi. Basta laging tandaan ang sabi ni John Lloyd, "Ingat".

A Good News

After 3 weeks of blood pressure monitoring at ang pag inom ng half tablet a day sa gamot ko ay nagpa-blood chemistry at complete blood ako last Sunday at bumalik sa docktor ko kahapon. After reading the test results ay normal lahat kaya nag decide na ang doctor ko na ubusin na lang lahat ng gamot ko at tumigil na.

More than 3 years ko rin iniinom yung maintenance medicine ko para hindi ito tumataas. Malaking kaginhawaan ang pag alis ng gamot sa akin. Una sa lahat at bawas sa gastos at pangalawa ay sa kidney protection ko na rin.

Basta habilin nalang ng doktor na laging maging consious sa mga kinakain ko. Iwasan ang maalat at matatabang pagkain at saka madaming tubig.

Sana ay magtuloy tuloy na ito. Thank you Lord.