Wednesday, July 29, 2009

37th Month With Harry

Yesterday, my partner and I celebrated our 37th Monthsary. As usual, nanood kaming sine at pinanood ang Harry Potter and the Half Blood Prince. Although marami sa mga ka-trabaho ko ang nagsasabing boring yung movie ay pinanood pa rin namin dahil sa napanood namin yung part 1 to 5 ng movie.

In my personal point of view, inantok talaga ako sa pelikula. Parang kulang ng action at adventure at parang bitin sya talaga. Hindi talaga ako satisfied. Kahit na ang partner ko ay na dissapoint sa movie.

Then nag dinner kami sa may Tokyo Tokyo. Nag order akong Yakisoba at nabigla ako ng magustuhan nya ang Yakisoba na first time pala nya matikman sa Tokyo Tokyo. Usually kasi kinakain namin doon ay California Maki. Pero para maiba ay sinubukan ko nga yun.

Thursday, July 23, 2009

Ang Ahas sa Kusina

Last night habang kasalukuyan kong nanonood ng balita ay pumasok ang nanay ng partner ko sa kwarto para hiramin yung flashlight kasi daw may nakita silang brown na malaking ahas sa may kusina. Yung brown na ahas pa naman dito ay may kamandag at nakakamatay. Kilala syang local cobra sa amin.

Lumabas ako sa kwarto at tumulong sa paghahanap at hindi na namin nakita. Hinala nila ay lumabas sya sa may butas. Pero para sa akin ay hindi pa sya nakalabas dahil yung butas ay medyo mataas. Tatlong hallow-blocks yung taas at hindi basta-basta makaka gapang pataas ang ahas ng ganoon kabilis.

Pinalo-palo namin ang mga gamit sa may lugar na pwede nyang pagtaguan pero wala pa rin kaming nakita. Hindi ako mapakali dahil baka biglang pumasok sya sa kwarto namin dahil hindi fitted ang pintuan ng kwarto. Ibig sabihin ay may malaing siwang ang pintuan from the floor at kahit ang pusa namin ay nakakadaan doon, ahas pa kaya diba?

Kahit na antok na antok na ako ay hindi pa rin ako makatulog. Pakiramdam ko may gumagapang o gagapang na ahas kapag tulog na ako. Nakahiga pa man din ako sa may lapag at nag overtime pa partner ko kaya wala akong kasama.

Tinakpan ko ang siwang ng pintuan gamit yung carpet para hindi sya makapasok just in case kaya naka-idlip ako. Umuwi partner ko ng 10:30PM at doon gumaan pakiramdam ko at nawala ang aking takot.

Pero tatlong oras lang ang tulog ko at kelangan ko ng pumasok sa trabaho. Kaya naman heto ako at antok na antok. I still hope na tuluyan na ngang lumabas yung ahas na yun. Hindi bale ng daga or ipis ang gumapang kesa naman ahas na may kamandag.

Tuesday, July 21, 2009

My Piggy Bank


Kahapon ay binuksan ko ang tatlong palayok na alkansya ko sa bahay. Sabi kasi nung kasamahan ko sa work at ng mga kapatid ko ay hindi maganda sa bahay ang may alkansya dahil daw mabigat ang buhay at daloy ng pera.

Since may plano akong magbukas ng bank account sa August ay nagdesisyon na akong buksan ang tatlo kong alkansya na inumpisahan kong ipunin since 2003.

Pinagtulungan namin ng nanay ko na basagin ang mga alkansya at bilangin ang naipon kong pera na puro 5 at 10 pesos coins. Surpisingly ay naka-ipon akong 18, 570.

May isang oras din kaming nagbibilang at inayos ng tig-isang daan at saka nilagyan ng tape at nilagay sa plastic para hindi mahirapan ang teller sa pagbilang.

Bago ako umuwi sa Dau ay dumaan akong bangko at nagbukas ng account. Iamgine na bitbitin ang ganoong kadaming barya? Talagang sumakit ang shoulder ko. Pagpasok ko sa bangko ay medyo nahihiya ako at hingal na hingal ako.

Nawala ang hiya ko ng napa-admire yung teller sa akin. Hindi nya raw expect na makaka-ipon ako sa alkansya ng ganoong amount. Pati yung isang nakatabi ko nabigla din. Gusto pa nyang buhatin yung mga barya at hindi nya mabuhat. Yung isa pang teller sabi kung malas daw ay bakit makaka-ipon ka ng pera?

Anyway, sa ngayon ay nasa bangko na yung pera. Mapa totoo man o hindi yung sabi ng mga matatanda about sa pag-a-alkansya bahala na. Basta ako nakatulong sa akin yun para maka-ipon ng pera. =)

Wednesday, July 8, 2009

Baha, Gonuts and Zagu Day

Lasy night, kasalukuyan kong pinapanood ang Boys over Flowers ay biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kidlat at kulog. Dahil sa ka-adikan ko sa BOF ay binalewala ko ang nangyayari sa labas.

Hindi ko namalayan na sa sobrang lakas ng ulan ay tumataas na pala ang tubig sa may likuran ng aming kwarto. Sabi ng partner ko, kahit gaano kalakas ang ulan dati ay never pa naman pumasok sa kwarto ang tubig. Kaya naman naging calm ako at enjoy sa tv.

Natulog kaming 9PM at umuulan pa rin sa labas. Masarap matulog lalo na't malamig ang panahon dahil sa ulan habang may kayakap ka. he he he.

Anyway, nagising akong 12:20AM dahil nilalamig ako sa electric fan at para magkumot. Nang bigla kong naramdaman na basa ang kumot sa may paanan ko. Kinuha ko ang aking cellphone at sinindihan ang ilaw nito at nabigla ako sa nakita ko. Nakapalibot ang kama namin sa tubig na kulay tsokolate.

Kahit nasa floor ang kama ay hindi kami nabasa dahil sa spring bed ito. Pero nabasa lahat ng unan na nakapalibot sa bed pati na yung carpet. Mabuti nalang din at hindi nag short circuit ang cord extension sa may electric fan. Nabasa din yung mga cd's na nasa lapag.

Ginising ko ang partner ko at sabing pinasok kami ng tubig. Nabigla din sya sa nakita nya at tumayo kaagad at ginising nanay nya. Inalis na muna namin yung mga unan at natulog ulit dahil sa pareho kaming antok na antok at pagod.

Ang nakaka-inis lang ay 2 days palang ang nakalipas nung nagpalit kaming bed-sheet, naglaba ng kumot at pillow cases tapos ganun ang nangyari. Mamaya nyan pag-uwi ko galing trabaho ay lilinisin ko ang kwarto pari alisin yung putik na pumasok.Hay...=(

Sa work naman, Gonuts at Zagu day daw. Hindi namin alam kung bakit o kung ano ang okasyon at may treat kaming Gonuts Donuts at Zagu this day. Anyway, salamat na rin sa meryenda. he he he

Friday, July 3, 2009

Due Process

Kaninang 5AM ay nagkaroon akong panel as due process daw for excessive absences for the past 6 six months wherein may lima akong absent. Yung dalawa due to emergency at yung tatlo ay dahil sa sick due to hypertension.

As expected, every absent mo ay bubusisiin kung anong nangyari that day. Ako naman ay honest at sasabihin kung ano talaga ang nangyari kaya walang mabutas sa sakin.

At dahil wala ako sa mood dahil sa kakaumpisa palang ng shift ko ay nagkanda-bulol ako at mali-mali ang english at grammar ko.

Anyway, after 45 minutes ay natapos din. Pero ng tanungin ako para mag commit na hindi na aabsent, sabi kung unplanned or emergency I can commit but not on sick dahil under treatment or experiment pa rin ako sa pag take ng mga gamot ko at baka biglang mag flactuate na naman.

Seven years na ako sa work ko pero first time magkaroon ng ganito sa attendance. =(